Wala lang.

Dati, akala ko pag sinabi mong love- nagbabago, kumukupas, nawawala rin ‘yan. Isang bagay na tulad ng maraming bagay, nauuso at nalalaos din pag nagtagal.

Sa dinami-dami na rin kasi ng dinaanan ng puso kong ito- kumbaga sa boxing, naknock out na ko ng ilang beses.

Maraming beses ng nagpakatanga. Maraming beses ng naisahan. Mangilan-ngilan beses na rin na naiwan.

Bugbog-sarado na, pero tulad ng marami- bumabangon, nangangarap na isang araw, darating yung isang klase ng love na magbabago ng tingin ko sa mundo.

Tapos dumating ka. Hanep sa timing.

Pakipot pa sa una, paayaw-ayaw pa. Pero dahil sadyang tinamaan lang talaga ako, ayun nagpakahulog ako sayo. Ang di ko na natutong puso, na-inlove na naman at naniniwalang eto na ‘yun.

Hindi mo ako masisisi kung wala akong kapaguran. Tulad ng marami, madalas kahit yung simpleng idea lang na may nagmamahal at minamahal ka- daig na nun ang kahit ilang milyong jackpot sa Lotto. Minsan, para sa iba, kahit yun lang masayang-masaya na sila.

Isa ako sa mga taong tulad nila. Mababaw ang kasiyahan. Makita lang kita, marinig ko lang ang boses mo, high na high na ako.

Ang hindi ko lang maintindihan, ay kung paanong sa sungit at moody kong ito- natatagalan mo ako. Pag tinotopak, nakikipag-away na lang bigla. Sa sobrang takot mawala ka, halos mamatay sa kakaduda.

Hindi ko akalain, na sa kabila ng maraming kapalpakan ng ugali ko, sa daming beses na sablay ako sa ‘yo, nakukuha mo pang mahalin ako.

Pwede pala talaga ‘yun- na may isang taong nandyan lang umaraw man o umulan. Na kahit anong mangyari, di ka iiwan. Posible pala na habang tumatagal kayo magkasama- hindi nagbabago yung kilig, yung lambing sa araw-araw. Pwede naman pala makakita ng tao na kahit anong gawin mo- hindi magbabago ang pagtingin sayo. Yung tipong kahit napakataba mo na, tadtad ka na ng tigyawat sa mukha o jologs mo na manamit- hindi sya mahihiyang ipagsigawan sa mundo na ikaw lang, ikaw lang ang mahal nya.

Bulag na kung bulag. Pero sabi nga nila, love is blind naman. E ano ngayon kung corny, ano ngayon kung baduy- di naman yan love kung hindi alinman sa dalawang yan ang nararamdaman mo pag naiinlove ka, diba?

Dati, akala ko pag sinabi mong love- nagbabago, kumukupas, nawawala rin ‘yan. Isang bagay na tulad ng maraming bagay, nauuso at nalalaos din pag nagtagal.

Buti na lang dumating ka. Buti na lang nakilala kita. Kahit kunin na nila lahat ng kayamanan at wala ng matira para sa akin– basta sa akin ka lang habangbuhay, ako na ang magiging pinakamasaya sa mundo.

Posted via WordPress for iPad

Advertisements

8 thoughts on “Wala lang.

  1. paul banal says:

    innermost feelings mo? yan ba ang nasa kaloob-looban ng damdamin mo? your so sweet!

  2. joeyvelunta says:

    Mam, isang magandang akda.

  3. Genesis says:

    hula ko lang… nung sinusulat mo pa lang ung title, kilig na kilig ka na… ^_^

    nice post! Simple lang pero may kurot sa puso… Indi kinailangan ng matatalinhaga at malalalim na salita…. plain and simple words, yet it made me feel like it’s valentine’s day… astig!

    Sweet! Swerte naman nung dumating na yun! (^^,)v

  4. armaneugenio says:

    sarap ng pag banat sa tagalog! nadama ko! ๐Ÿ˜‰

  5. Meljohn says:

    Parang ganyan din ako! kahit mabaho na ako, mahaba ang buhok at maraming tagihawat alam kong nandyan pa rin ang asawa ko na nagmamahal sa akin ng lubos-lubos.

  6. al says:

    A journalist with a heart.:-)

  7. ๐Ÿ™‚ Thank you po sa lahat ng comments grabe 1year ago ko pala naisulat ito. maraming maraming salamat. Nawa’y lahat tayo, makahanap ng ating one and only love of our lives ๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s